‘Di na kailangan lumuwas ng Maynila | DFA CONSULAR OFFICE SA ANTIPOLO, BUKAS NA
- Gina Pleñago
- Nov 23, 2018
- 1 min read

BINUKSAN na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang bagong consular office sa SM Cherry Barangay Mayamot sa Antipolo City kahapon.
Hindi na kailangan pang lumuwas ng Maynila at magsadya sa DFA Consular Office sa Macapagal Blvd. ang mga naninirahan sa Antipolo.
Sa unang araw kahapon, maaari nang kumuha ng appointment para sa kanilang passport processing ang mga residente ng Antipolo at mga karatig-bayan.
Ayon sa DFA, ilan lamang ito sa mga consular offices na itinayo ng kagawaran sa mga lugar at mga lalawigan para hindi na kailangang gumastos ng malaki sa pamasahe lalo na sa mga OFW para sa proseso ng kanilang pasaporte.





Comments