Paslit nasagasaan ng jeep
CABANATUAN CITY—Isang 5-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang aksidenteng masagasaan ng pampasaherong jeep sa loob ng terminal sa Bgy. D.S. Garcia sa lungsod na ito.
Nakilala ang biktima na si Jaliel Macapaar, nakatira sa Bgy. Barrera sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, bigla umanong naglakad ang biktima sa gitna ng terminal kaya nasagasaan ito ng jeep na minamaneho ni Jayson Velasco, residente ng Cuyapo, Nueva Ecija.
Dinala pa ng mga saksi si Macapaar sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, kusang sumuko sa pulisya si Velasco.





Comments