top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

OFW nag-suicide

  • Maeng Santos
  • Nov 22, 2018
  • 1 min read

NASAWI ang 31-anyos na dating overseas Filipino worker matapos mag-sui­cide dahil umano sa depresyon sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Sheryl Dauz, 31, ng Bgy. 171, Bagumbong Dulo.

Sa inisyal na imbestigas­yon, alas-6:45 ng gabi nang dumating sa kanilang inu­upahang bahay ang live-in partner ng biktima na naki­lalang si Albert Encipido, 31, factory worker.

Laking-gulat na lamang ni Encipido nang makita ang wala ng buhay na katawan ng biktima na nakaluhod sa kanilang higaan habang na­kabigti gamit ang lubid.

Agad ibinaba ni Enci­pido ang bangkay ng biktima bago humingi ng tulong sa kanilang barangay na tuma­wag naman sa himpilan ng Police Com­mu­nity Precinct-6.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon upang matu­koy kung may foul play na na­ga­nap sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page