Laban sa kontrobersiyal na electric company | MGA EMPLEYADO, NAGPASAKLOLO SA PALASYO
- BULGAR

- Nov 22, 2018
- 1 min read

MISMONG mga kawani ng Panay Electric Company ay aminadong new management ang kailangan ng mga residente ng Iloilo City para masolusyunan ang problema sa kuryente sa lalawigan.
Ayon kay Gaudioso Arnejo Sumandi, 24 taon nang empleyado at nagsisilbing lineman at trouble shooter, mismong siya ay hindi na nakatiis sa palpak na pamamalakad sa kumpanya kaya pinangunahan na niya ang paghingi ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Agosto 12, nang iparating ni Sumandi ang reklamo sa Malacañang. Inamin nito na maraming mga manggagawa ang nais magreklamo subalit, hindi nila ito magawa dahil karamihan ay mga kontraktuwal. Ani Sumandi, maging sa Department of Labor and Employment-Iloilo ay naghain na rin siya ng reklamo dahil sa hindi pagbabayad sa kanila ng overtime pay subalit, napilitan siya na bawiin ang reklamo sa pakiusap na rin ng management na intindihin muna ang kanilang pagkukulang. (BRT)





Comments