top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gustong ireklamo ang employer na hindi hinuhulugan ang kanyang SSS na tatlong taon nang nakararaan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2018
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Nalaman ko noong 2015 na mayroong kulang na hulog ang aking employer sa aking SSS kahit kum­pleto ang kaltas sa aking suweldo. Maaa­ri pa ba akong mag­sam­pa ng reklamo tungkol dito kahit tatlong (3) taon na ang nakalilipas? — Janina

Dear Janina,

Para sa inyong ka­alaman, ang inyong katanungan ay tinata­lakay sa Section 22 ng Republic Act No. 1161 as amended by Republic Act No. 8282 o mas kilala bilang “Social Security Law” kung saan nakasaad na;

“Section 22. Remittance of Contributions. – xxx

(b) xxx

The right to institute the necessary action against the employer may be commenced within twenty (20) years from the time the delinquency is known or the assessment is made by the SSS, or from the time the benefit accrues, as the case may be.” [sinalungguhitan para bigyang-diin.]

Sang-ayon sa na­banggit na probisyon ng batas, ang pagsasampa ng kaso laban sa employer tungkol sa hindi nito paghuhulog ng Social Security System (SSS) contribution ninyo ay maaaring gawin hanggang dalawampung (20) taon mula sa pag­kakaroon ng kaalaman tungkol sa hindi nito paghuhulog.

Sa inyong sitwasyon, dahil hindi pa lumalam­pas ang dalawampung (20) taon mula nang inyong malaman na may­roong kulang na hulog sa inyong SSS ang inyong employer, ma­aari pa rin ninyo itong sampahan ng reklamo.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opin­yong ito ay nakabase sa inyong mga naisalay­say sa inyong liham at sa pagka­ka­intindi namin dito. Maa­aring maiba ang opinyon kung mayroong karag­da­gang impor­masyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page