BLAZE SPIKERS, SUSUNUGIN ANG FIRST ROUND SA PSL


TARGET ng Petron Blaze Spikers na walisin ang first round sa pakikipagsagupa nila sa mainit pang Foton Tornadoes sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Magsisimula ang bakbakan ng 7 p.m., pakay ng Blaze Spikers ang ika-7 diretsong panalo kontra tigasing Tornadoes, na nagwagi ng lima sa anim na laban sa prestihiyosong women’s club na isinasaere ng ESPN5.
Kaugnay nito, yayakapin din ng F2 Logistics ang ikatlong posisyon laban sa Smart Giga Hitters ng 4:15 p.m. habang ang Generika-Ayala ay tangkang pumatas sa malamyang Cignal HD Spikers laban sa Cocolife Asset Managers ng 2 p.m. sa opening match.
Ang panalo ng Blaze Spikers laban sa Tornadoes ang awtomatikong maglalagay sa kanila sa top spot at tsansang pumasok sa Pool A kasama ang 3rd, 6th at 8th-seeded teams para sa iba pang round ng aksiyon sa second half ng preliminaries. (MC / VA)





Comments