top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Babaeng natatakot sabihin sa kapatid na siya ang tunay na ina

ROMA AMOR
Nov 22, 2018
1 min read

Dear Roma, Ako si Jing, 29 years old. Sa ngayon ay nagtatrabaho ako sa bangko rito sa Antipolo. May problema ako na gusto kong ihingi ng payo sa inyo. Noong 16 years old ako, nabuntis ako ng BF ko, pero dahil bata pa ako nu’n ipinalabas namin na kapatid ko ang magiging anak ko, nagpunta kami sa ibang bansa para ru’n ako manganak. ‘Yung anak ko na si Mazie, ate ang tawag niya sa akin, ngayon ay mag-e-eighteen na siya, gusto ko nang sabihin sa kanya na ako ang totoo niyang ina. Ano sa tingin ninyo, Roma, tama ba ang gagawin ko? — Jing

Jing, Nakatutuwa ang istorya ng buhay mo, mamsh, dahil para itong teleserye. Gayunman, ang nais naming ipayo sa’yo ay tama lang ang gusto mong gawin lalo na ngayong malaki na ang anak mo, dapat na talaga niyang malaman ang totoo niyang pagkatao, basta ipaintindi ninyo ang lahat ng nangyari at kung bakit nagawa ninyong magsinungaling sa kanya. Sigurado namang makikinig siya sa inyo lalo na at kayo naman ang nagpalaki sa kanya, minahal at hindi n’yo siya pinabayaan. Hiling namin na ngayong darating na Pasko ay masaya ang mga puso ninyo. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page