top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para magkasya pa ang mga regalong damit sa‘yo, lodi! MGA PARAAN UPANG MAIBALIK ANG ALINDOG NGAYONG K

  • No Problem
  • Nov 21, 2018
  • 2 min read

NATATAKOT ka bang ma­parami ang kakainin mo sa da­rating na holi­day? Don’t wor­ry, beshy, dahil may naisip na kaming mga pa­raan kung pa­ano mo ma­be-burn ang calo­ries na ma­i-in­take mo sa no­che buena at me­dia noche. Na­­rito ang ilang tips sa pagba­bawas ng tim­bang ngayong Ho­­liday Sea­son:

1. SET A REA­LIS­­TIC GOAL. Hin­di masama ang mangarap, mga beshy, pero kung magsisimula ka sa goal na alam mong po­sible mong ma-achieve, epektibo ito upang maging unang hakbang mo sa pag­babawas ng timbang.

Halimbawa, isa hang­gang dalawang pounds ang targetin mo kada linggo at saka mo na lang ito dagdagan depende sa kakayahan mo.

2. PLAN YOUR MEALS. Ang pagpapababa ng tim­bang ay hindi basta pagba­bawas ng kahit anong kina­kain mo sa isang araw at pag­papalipas ng gutom. Ma­bu­ting nakaplano kung ano ang kakainin mo simula agahan hanggang hapunan.

Ayon sa mga eksperto, mabuting dagdagan ang pag­kain ng protina sa agahan at tang­halian dahil epek­tibo itong pamalit sa carbo­hydrates. Gayun­din, mabigat ito sa tiyan kaya kaunti na lamang ang makakain mo sa hapunan.

3. FRUITS AS AL­TERNATIVE FOR CRA­VINGS. Kung may hinahanap ang iyong panlansa tu­lad ng ma­tatamis o ma­aasim, ini­rereko­menda ng mga eksperto na pru­tas na lamang ang inyong ka­inin dahil nagtataglay ito ng natural na tamis at walang halong ke­mikal o preser­vatives.

4. WRITE NOTES. Regular na maglista ng iyong mga kinakain o ginagawang ehersisyo sa bawat araw. Naka­tutulong ito upang ma-track mo ang iyong weight-loss journey.

5. WALK OR JOG REGULARY. Yes, beshy, regular dapat! Maglaan ka ng 30 minuto hanggang isang oras kada araw na paglalakad o pagdya-jogging.

Ang payo ng mga eks­perto, mas mabuti kung sa umaga gagawin ang sim­pleng ehersisyong ito dahil nakatutulong ang exposure sa araw upang natural na madagdagan ang Vitamin D sa iyong katawan.

Oh, mga beshy, dehins na ninyo kailangang mag-worry kung nahihirapan kayong magbawas ng tim­bang. Stay healthy. Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page