top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Oplan Tokhang, stop muna para 'di makasapaw, hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2018
1 min read

DUMATING na sa Maynila si Chinese President Xi Jinping.

Huwag sana siyang mabiktima ng snat­chers!

◘◘◘

HINDI nilinaw sa ulat kung mag-i-stay siya sa Spratlys Island.

Hindi rin sinabi kung papasyal siya sa pabrika ng taho!

◘◘◘

ISINALUBONG sa Chinese strongman ang resulta ng survey na mayorya ng mga Pinoy ay kontra sa pagsakop ng China sa West Philippine Sea.

Mahilig talaga silang mambuwisit!

◘◘◘

NAUUSO ang iba’t ibang sakit.

Ang problema, takot sila sa bakuna!

◘◘◘

HINDI totoong nakatulog si P-Digong habang naghihintay kay Pres. Xi Jinping.

Masigla siyang nakipagkamay sa big boss ng China!

◘◘◘

ISANG Chinese hero pala ang ipinanganak sa lalawigan ng Quezon.

Iyan ang tsismis ng Tsekwa!

◘◘◘

PUWEDE nang mag-subscribe sa ikatlong Telco, next year.

Nagsimula nang magsisante ang 2 telecom giants!

◘◘◘

RERESBAKAN daw si Kris Aquino ng dati niyang alalay.

Papansin lang ‘yan!

◘◘◘

DOUBLE time ngayon ang mga “double agent”.

Espiya pa more!

◘◘◘

HINDI pa nakalalayo si ‘Samuel’.

Hinihintay pa niya si Xi!

◘◘◘

TIGIL muna ang Operation Tokhang.

Baka manapaw sila, eh?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page