top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Motor sumalpok sa barikada, 2 dedbol

  • Levi Gonzales
  • Nov 21, 2018
  • 1 min read

DALAWANG sakay ng motorsiklo kabilang ang driver ang nasawi habang isa pang angkas nito ang nasa malubhang kalagayan makaraang sumalpok sa barikada sa National Rd., Bgy. Bataan, San Juan, Batangas.

Sa imbestigasyon, alas-12:30 ng hatinggabi, sakay ng motorsiklo ang driver na si Vincent Bernal, 24, kasama ang angkas na sina Jay Cyrus Hernandez, 15, at Jeric Tumulod.

Patungo sila sa Bgy. Laiya, nang um-overtake hanggang sa hindi nito napansin sa kaliwang bahagi ang barikada.

Tumilapon ang tatlo at nagtamo sila ng matinding pinsala sa ulo at parte ng kanilang katawan.

Naisugod pa ang mga ito sa pagamutan ngunit, nasawi sina Bernal at Hernandez habang sugatan naman si Tumulod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page