Mga pulis, pinasama raw… COCO, IPINAGTANGGOL NI EDDIE VS. PNP AT DILG
- BULGAR

- Nov 21, 2018
- 2 min read

IPINAGTANGGOL ng veteran actor na si Eddie Garcia si Coco Martin at ang teleserye nilang FPJ’s Ang Probinsyano sa akusasyong ‘di tamang pagsasalarawan sa mga pulis sa kanilang program sa ABS-CBN.
“Well, kathang-isip lang ‘yun,” sabi ni Eddie nu’ng makausap namin sa mediacon ng movie nila ni Gina Pareño titled Hintayan ng Langit.
Tumanggi naman siyang magbigay ng reaksiyon sa nababalitang pagsasampa ng kaso laban sa Kapamilya teleserye kapag ‘di binago ang plot tungkol sa kapulisan.
“Wala akong say because I’m not the writer. I’m just an actor there.”
Nasa taping ng Ang Probinsyano si Eddie nu’ng lumabas ang press statement mula kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya last Friday (Nov. 16).
Ito’y matapos madismaya si DILG Secretary Eduardo Año sa pagsasalarawan sa mga pulis sa teleserye ng ABS-CBN.
Tinanong namin ang veteran actor kung may plano ang Creative team ng Ang Probinsyano na baguhin ang pagsasalarawan sa mga pulis sa serye.
“Well, I’m sure they will do something about it,” diin ni Eddie. “Sa akin, wala. Dahil ako, kontrabida ako, eh. Saka hindi naman ako pulis. Sa Creative team, wala naman akong alam na gagawing pagbabago. Siguro, du’n sa grupo ni Coco, doon sila nag-uusap.”
Feeling naman niya, may basis ang DILG na mag-file ng case if Ang Probinsyano continues with their grossly unfair and inaccurate portrayal of police force na nakapaloob sa press statement na inilabas ni DILG Asst. Sec. Malaya.
No comment naman si Eddie kung sa tingin niya ay ‘di child-friendly ang serye ni Coco.
Samantala, naiugnay ni Eddie ang kanyang sarili sa kuwento ng Hintayan ng Langit na isa sa mga entries sa nakaraang QCinema International Film Festival kung saan napanalunan niya ang Best Actor award.
“Alam mo naman ang buhay ng tao when you have to go, when you got to go, you gotta go.”
Wala naman daw siyang wini-wish na gusto niyang sumalubong o naghihintay for him na makasama muli sa langit except for his family. At naniniwala rin daw siya na may tunay na langit.
Kasama ni Eddie sa Hintayan ng Langit ang veteran actress na si Gina Pareño at idinirek ni Dan Villegas. Maganda raw ang mga linya niya sa movie at napakahusay ni Direk Dan, na ang last movie nitong Exes Baggage ay kumita nang P300 M sa takilya.
Ang Hintayan ng Langit ang ikalawang pelikula ni Eddie ngayong 2018. Ang una ay ML na isa sa mga official entries sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.
Parehong nanalong Best Actor sa dalawang pelikula na inilahok sa magkaibang local filmfest ang mga nabanggit na pelikula ni Eddie.
And for that alone, we highly recommend na panoorin ang Hintayan ng Langit sa mga sinehan ngayong Miyerkules (Nov. 21).





Comments