Mga magulang ng aktor na si Hiro Peralta, tiklo sa droga
- Jeff Tumbado
- Nov 21, 2018
- 1 min read

TIMBOG ang tatlo katao kabilang ang mga magulang ng Kapuso young actor na si Hiro Peralta, sa isinagawang buy-bust operation sa Bgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Ronnie Telan at mag-asawang Engelbert at Jean Peralta. Batay sa isinumiteng report kay QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel, Jr., nakabili umano ng P500 halaga ng shabu ang kanilang poseur-buyer mula kay Engelbert at ang perang pinagbentahan ay ibinigay nito sa asawang si Jean.
Nakuha mula sa mga suspek ang 19 sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na limang gramo na nagkakahalagang P34,000.





Comments