Kasunduan nina P-Duterte at Pres. Xi Jinping, isapubliko!

PIRMAHAN SA KASUNDUAN NINA P-DUTERTE AT CHINESE PRES. XI JINPING, DAPAT ISAPUBLIKO—Dapat isapubliko ng Duterte gov’t. ang lahat ng pipirmahan sa kasunduan nina P-Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping.
Mahirap kasi kung sina P-Duterte, Chinese Pres. Xi Jinping at kanilang mga alipores lang ang nakaaalam ng mga kasunduan na kanilang pipirmahan dahil baka ang laman ng kasunduan ay pagsapit ng takdang panahon na hindi makabayad ng utang ang Duterte gov’t. ay magiging probinsiya na ng China ang Pilipinas, boom!
◘◘◘
MGA HINDI KORUP, SIBAK AT MGA SANGKOT SA SHABU SMUGGLING, PROMOTED—Kinumpirma ni DSWD Spokesperson Glenda Relova na walang bahid ng korupsiyon ang tatlong DSWD officials (Undersecretaries Ma. Lourdes Jarabe, Mae Templa at Hope Hervilla) na sinibak ni P-Duterte sa posisyon.
Ganu’n? Pambihira talaga si P-Duterte kasi mantakin ninyo, ‘yung mga hindi korup na sina Jarabe, Templa at Hervilla ay sinibak sa DSWD, tapos ang mga sangkot sa shabu smuggling na sina dating BOC Commissioners Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña, na-promote pa, buwisit!
◘◘◘
MGA BATAS NI ANGARA, PAHIRAP SA MAMAMAYAN—Pasado na sa Senado ang panukalang-batas ni Sen. Sonny Angara na gawing tatlong probinsiya ang Palawan na papangalanang Palawan del Sur, Palawan del Norte at Palawan Oriental.
Bakit ba puro pagpapahirap sa mga Pinoy ang ginagawang batas ni Sen. Angara?
Siya ang nagsabatas ng TRAIN Law na nagpataas sa presyo ng mga bilihin at bayarin at ngayon, isinabatas niya na gawing tatlong probinsiya ang Palawan na ibig sabihin, dagdag-gastos na naman ito sa publiko kasi may pakakainin ang taxpayers na mga trapong mamamahala sa dalawang nadagdag na bagong lalawigan sa Palawan, pwe!
◘◘◘
COLOR GAMES AT DROP BALLS SA JURISDICTION NI SJDMC SUPT. MACARIOLA—Nag-o-operate na raw ngayon ang color games at drop balls ni “Leslie” sa Area H, San Jose del Monte City (SJDMC), Bulacan.
Paging Bulacan PNP Director Chito Bersaluna, baka puwedeng pakikuwestiyon si SJDMC Supt. Fitz Macariola kung bakit sa kabila na may “war on illegal gambling” si P-Duterte ay nakapaglatag pa ng kanyang raket sa lungsod si “Leslie”? Plis lang!





Comments