IMPORTS TRAVIS AT HARRIS, UNAHAN SA PANGGUGURLIS
- Clyde Mariano / ATD
- Nov 21, 2018
- 2 min read

KAPWA nagpahayag ng kahandaan sina Magnolia Hotshots coach Chito Victolero at Alaska Aces mentor Alex Compton sa kanilang best-of-seven title showdown sa Governor’s Cup na bigong maipagtanggol ng Barangay Ginebra.
Sa press conference na ginawa malapit sa PBA office sa Quezon City sa kanilang faceoff kasama ang players, kumpiyansa sina Victolero at Compton sa kanilang tagumpay sa una nilang paghaharap para sa championship matapos magwagi sa kanilang magkahiwalay na kalaban sa parehong kartada 3-1 sa best-of-five semifinals.
Ngayon lang nagkaharap sina Victolero at Compton sa PBA dahil una silang nagharap sa defunct Metropolitan Basketball Association. Sa ekspertong gabay ni Victolero, sinibak ng Magnolia ang Barangay Ginebra, 112-108, at sinipa ng Aces palabas sa pintuan ang Meralco Bolts, 99-92 para ikasa ang best-of-seven title confrontation.
Determinado si Victolero na kunin ang titulo at mapasama sa elite “club of champions” upang mapanatili ang korona sa SMC bagamat bigo ang Beermen at Ginebra sa playoffs. “We’re ready for the big fight ahead. We’re hungry for the title. We will play with fire and intensity and resiliency throughout the playoff. We made some adjustments and necessary corrections in the departments where we are weak,” sabi ni Victolero.
Inamin ni Victolero na mabigat ang kanilang pagdaraanan at kailangang maglaro ng kanyang mga bata sa tulong ni import Romeo Travis para matupad ang minimithing tagumpay. “Alaska is dangerous and known their solid rock defense. We have to be physically and mentally prepared against them. Playing against Alaska is no joke. You have to play above board to win.”
Sa kabilang dako, sinabi ni Compton na malaki ang paggalang niya sa kakayanan ni Victolero at ng reinforcers nito. “To be honest, I respect Victolero. He’s a good coach. He has bunch of good shooters and Travis is good both in both offense and defense,” pahayag ni Compton.
Tulad ni Victolero, positibo at kumpiyansa si Compton sa kakayanan ng kanyang mga bata at malaki ang tiwala sa laro ni import Mike Harris. “We’re all set and ready. I talked to my players right after we beat Meralco and reminded them to showcase their agility and dexterity in the finals to win the coveted plum,” ani Compton.
Determinado si Compton na wakasan ang mahabang tagtuyot at muling ibalik ang Alaska Aces sa tuktok ng podium. Ang Game 1 ay gagawin sa Dis. 5 sa Mall of Asia Arena.





Comments