top of page

Gustong pagbayarin ng danyos ang partidong hindi tutupad sa kasunduan ng kontrata

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 21, 2018
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari bang maglagay sa kontrata ng kasun­duan na magbabayad ng danyos ang partidong hindi magagam­panan ang kanyang obligasyon dito gayundin, kung mayroon bang limitasyon ang halaga nito? — M. Pedra

Dear Pedra,

Para sa inyong kaalaman, ang kasunduan na nais ninyong ilagay sa kontrata ay tinatawag sa batas na liquidated damages. Nakasaad sa Article 2226 ng Civil Code of the Philippines na:

“Article 2226. Liquidated damages are those agreed upon by the parties to a contract, to be paid in case of breach thereof.”

Ito ay pinapayagan ng batas, subalit, babawa­san ng korte ang halaga nito kung ito ay maituturing na labis o hindi patas, sang-ayon sa Article 2227 ng parehong batas kung saan nakasaad na “liquidated damages, whether intended as an indemnity or a penalty, shall be reduced if they are iniquitous or unconscionable.”

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page