top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Babala: kawatan na nagpapanggap na bantay sa ospital, gumagala!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2018
2 min read

MGA ka-Bulgar, may kamag-anak ba kayong nakaratay sa ospital? Kailangan ba ninyong mabantayan ito dahil sa kanyang mga pangangaila­ngang gamot na dapat bilhin?

Pwes, para sa inyo ito mga suki dahil gumagala ang isang babaeng nagpapanggap na dalaw o bantay pero, kawatan pala!

Nakatanggap tayo ng reklamo mula sa mga biktima na isang babaeng umaaligid sa mga bantay ng may sakit ang nagkukunwaring may dinadalaw din siyang kamag-anak pero, nagmamatiyag sa mga tunay na dalaw at bantay ng may sakit.

Ayon sa sumbong, ang animal na suspek ay nasa edad 40 pataas, maigsi ang buhok na parang gupit lalaki, mga 5’ ang taas, medyo balingkinitan ang panga­ngatawan, may kaputian at nakamaong pants at jacket.

Madaling-araw kung umatake ang balasubas na babaeng ito na tumitiyempo sa mga natutulog na tunay na bantay, sa mga oraas na ito siya kumikilos o sumasalisi para magawa niyang naka­wan ang nakita niyang mga pag-aari ng bibiktimahin nito.

Kunwari itong tumatabi sa pasyenteng walang bantay at nagkukunwari ring kamag-anak nito ang may sakit pero, pinakikiramdam nito ang paligid kung puwede na niyang gawin ang maitim na balak nito sa katabing kama na tulog ang bantay at dito na niya isasagawa ang pagna­nakaw sa mahahalagang gamit ng bantay tulad ng pera, cellphone, alahas at maging ang prutas ay hindi nito pinatatawad kulimbatin.

At kapag nagtagumpay na sa pagnanakaw ang demonyong babaeng ito ay agad tatakas na parang walang nangyari. ‘Yan ang modus ng tarantadong ba­baeng ito na nagpapanggap na dalaw o bantay pero, kawatan pala.

Sa tunay na mga bantay ng kanilang pasyente, maging mulat kayo sa kapaligiran ninyo sa loob ng ospital dahil baka mabiktima kayo ng hinayupak na kawatan na gumagawa at umaatake sa madaling-araw para limasin ang inyong mga importanteng gamit.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, wa­lang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam.

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page