30 yrs. sa showbiz, sikat na singer, etc., dinedma… JANNO, FEELING BINASTOS NG DOS KAYA TODO-SUMBAT


SA halip na mag-emote at mag-post sa social media ng kanyang sama ng loob sa hindi niya pagkakasama sa Station ID ng Kapamilya Network, dapat siguro ay i-prove muna ni Janno Gibbs na very much deserving siyang mabigyan ng puwang sa ABS-CBN at makasama ang mga sikat na artista at singers ng network.
Kauna-unawa ang pagsesentimyento ni Janno dahil mahigit tatlong dekada na siya sa showbiz. May mga napasikat na siyang awitin at nakagawa ng ilang pelikula.
Nakalabas na rin siya sa ilang TV shows. In short, may pangalan na rin siyang naipundar, kaya humingi siya ng respeto mula sa mga taong nakakasama niya ngayon sa trabaho.
Bukod sa emote niya sa hindi pagkakasama sa Station ID ng ABS-CBN, nagdi-demand din ng trabaho o project ang comedian-singer. May mga shows naman daw ang Dos na puwedeng isama siya.
Passe na rin daw ang isyu sa kanya na forever late sa mga commitments. Wala namang reklamo sa kanya ang staff ng Ang Probinsyano, It’s Showtime (Magpasikat segment) at ganu’n din nang mag-guest siya sa Umagang Kay Ganda.
Talent ng Viva Artists Agency si Janno, pero pumirma naman siya ng kontrata sa Star Records. So, ini-expect niyang belong na rin siya sa Kapamilya Network.
Well, hindi maiaalis kay Gibbs na magkaroon ng feeling of insecurity dahil matagal na natengga ang kanyang career. Napag-iwanan na siya nang milya-milya ng mga baguhang singers.





Comments