Tulak timbog sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Nov 20, 2018
1 min read
ILIGAN CITY—Isang drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Tambacan, sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Christopher Zalsos, residente sa nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Zalsos na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments