top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sori na lang sa PNP at DILG… SERYE NI COCO, ‘DI KAYANG IPATIGIL NG MTRCB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 20, 2018
  • 1 min read

SA panayam kahapon kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairwoman Ms. Rachel Arenas sa DZMM Teleradyo, nilinaw niyang wala sa poder nila ang pagpapahinto o pagpa­patanggal sa kontrobersiyal ngayong primetime serye ni Coco Martin na Ang Probinsyano.

Kung matatandaan, inirereklamo ng PNP at DILG ang serye dahil sa diuma­no’y pagpo-portray nito nang masama sa ating mga kapulisan. May banta pa nga silang kakasuhan ang serye ni Coco kapag hindi binago ang plot ng istorya nito.

Although marami raw natatanggap na reklamo ang MTRCB, base sa pagre-review nila, wala naman silang nakitang nilabag ng serye ni Coco. Tuluy-tuloy na­man daw ang ginagawa nilang dialogue sa mga tao behind FPJAP at ayon sa sinusunod nilang batas, as long as may redeeming factor o magandang aral na naidudulot ang serye, walang mali sa pagpo-portray nito sa mga karakter sa programa na dapat nilang saklawan.

Paliwanag ni Chair Arenas, “Wala po sa poder namin ‘yan. Sunud-sunod naman po ‘yung ano namin, since 2016 pa ang dialogue namin with them.”

Dagdag pa nito, “Kasi kaming MTR­CB, hindi kami nagse-censor. We cannot also prohibit negative depictions kasi we are sort of a bridge doon sa constitutionally protected freedom of expression, and also the right of the state to regulate.”

Ang korte lang diumano ang may kara­patang magpatanggal sa Ang Probin­syano sa ere pero dapat ay dumaan pa ito sa tamang procedure kung totoong may nilabag sa batas.

So, walang dapat ipag-alala ang mga fans ng serye ni Coco Martin dahil hindi naman pala agad-agad itong maipatitigil sa ere.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page