top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PNP vs. ‘Ang Probinsyano’, parang ligaw na bala | “Hindi para sa‘yo pero, tinamaan ka”

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 20, 2018
  • 1 min read

KASABAY ng maraming suliraning kinahaharap ng bansa, viral ang pagpuna ng Philippine National Police (PNP) at iba pang mga ahensiya hinggil sa tumatakbong serye na Ang Probinsyano.

Sinabi ng PNP na iba raw umano ang naipararating na palabas sa mga manonood tungkol sa tungkuling ginagampanan ng mga tauhan ng iba’t ibang ahensiya sa bansa, gayundin ang pagsusuot ng uniporme na hindi raw dapat isinusuot ng kung sinuman kung saan binuweltahan ito ng ilan at sinabing ang serye ay tanging kathang-isip lamang at wala itong intensiyong magpatama o manira.

Subalit, palaisipan din kung bakit kahit tatlong taon nang umeere ang serye ay ngayon lang ito naisipang punahin at itama?

Kaya dahil dito, iba’t ibang opinyon ang ibinato ng netizens sa mga kinauukulan, mayroong mga nagsabi na sa dinami-rami ng problemang kinahaharap ng bansa, ito pa talaga ang mas binibigyan ng pansin.

Samantala, nilinaw ng PNP na hindi nila ipinatitigil ang pag-ere ng serye, bagkus, nais lang nilang maging malinaw ang katotohanan para sa lahat ng mamamayan lalo na at madaling nakapagbibigay ng epekto ang telebisyon ngayon.

Kaya ang panawagan natin para sa lahat, maging maingat tayo sa lahat ng ating gagawin at sasabihin, gayundin, huwag tayong basta-basta maniniwala sa mga napanonood natin, mainam na mayroon tayong sariling pananaw at pag-iisip.

Gayunman, may mga bagay talagang parang ligaw na bala, kahit hindi para sa’yo ay tatamaan ka pa rin. He-he-he!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page