Hirit kay P-Duterte | PALPAK NA ELECTRIC COMPANY, OUT!


UMAPELA kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Kongreso ang mga residente sa Iloilo City kaugnay sa legislative franchise renewal ng Panay Electric Company (PECO).
Ayon sa mga residente, handa silang humarap sa mga mambabatas at kay Pangulong Duterte para tuluyan umanong maibasura ng Kamara ang legislative franchise renewal application ng kumpanya na magtatapos sa Enero 18, 2019.
Sa isang panayam kay Hazel Fernandez, ship captain, ng Jaro, Iloilo City, limang buwan siyang nagpabalik-balik bago naaksiyunan ang inirereklamo niyang overcharging.
Ayon naman sa retired Iloilo teacher na si Mildred Jaromahum, P3,000 kada buwan ang kanyang bill sa kuryente ngunit, noong 2017 ay umabot ito ng P114,375 at ang nais umano ay bayaran niya ito nang installment.
Kaugnay nito, umapela rin ang mga residente kay Pangulong Duterte na magpadala ng kanyang kinatawan sa Iloilo City o opisyal mula sa ERC upang marinig ang kanilang mga reklamo. (BRT)





Comments