top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dehins n’yo na raw kailangang mag-sign language, besh! DEVICE NA NAKATA-TRANSLATE NG USAPAN PARA SA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 20, 2018
  • 1 min read

KARAMIHAN sa atin ay hirap makipag-usap sa kakilala o kapamilya na­ting may kapansanan da­hil hindi lahat ng tao ay marunong mag-sign lan­guage. Pero, alam ba ninyo na mayroon nang nadis­kubreng device upang hin­di na natin kailangan pang makipag-usap sa pa­ma­ma­gitan ng sign lan­guage?

Wow!

Isang device ang nadis­kubre ng mga dalubhasa na nakapagta-translate ng mga salita sa estilo ng text mes­sage sa loob ng nanose­conds.

Ito ay tinatawag na SpeakSee kung saan ang device na ito ay mayroong built-in microphone na ka­ilangang nakadikit sa dibdib ng sinumang magsasalita.

Kailangan ding ikonekta ang device sa isang appli­cation sa smartphone nang sa gayun ay doon lumabas ang translation ng mga sa­litang nabanggit.

Ayon sa mga nakaim­bento nito, ang device ay para sa mga may kapansa­nan na hirap makasunod sa mga usapan dahil hindi la­hat ng tao ay may kakayahang mag-sign language.

Masasabing epektibo ang device dahil ayon sa mga nakabili at nakasubok nang gumamit ng SpeakSee, 95 porsiyento ang accuracy ng usapan ang nata-translate ng device.

Gayundin, sobrang ma­laki ang maitutulong nito para sa mga beshy nating pipi at bingi. Talaga naman na­paka-high-tech na sa pana­hon nga­­yon, kaya dehins na natin kayang gumawa ng alibi para lang hindi magawa ang gusto natin.

Oh, ayan, mga bro at sis, ito na ang solusyon upang magkaroon tayo nang ma­ayos na komunikasyon sa ating mga kapamilya at ka­kilala na dehins nakapag­sasalita at nakaririnig.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page