top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Babala sa mga nahihirapang dumumi!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 20, 2018
  • 2 min read

Dear Doc. Shane, Nagpatingin ako sa ospital at sabi ng doktor ay may appendicitis daw ako at kailangan itong maialis agad upang hindi magkanana. Nais kong malaman kung ano ba ang appendicitis?– Jess

Sagot Ang appendicitis ay ang pamamaga ng appendix, isang 3 ½ pulgadang tubo na nakakabit sa bituka ng tao. Ito ay seryosong sitwasyon na nangangailangan ng agarang lunas. Kapag ito ay napabayaan at hindi nagamot, maaari itong sumabog na magiging sanhi nang pagkalat ng nakahahawang mga materyal sa loob ng tiyan. Ito ay maaaring mauwi sa peritonitis o pamamaga sa lining ng bituka na maaaring ikamatay ng pasyente.

Ito ay nangyayari kapag ang appendix ay barado na kadalasang sanhi ng dumi, foreign object at cancer. Ang pagbabara nito ay maaaring maging sanhi ng impeksiyon.

Ang pag-oopera upang tanggalin ang appendix o appendectomy ay siyang pinakamabuting gawin para malunasan ito. Kapag ito ay nagkaroon ng nana, maaaring sumailalim sa dalawang proseso. Una ay kailangang tanggalin muna ang nana at iba pang tubig na nasa appendix at pangalawa ang aktuwal na pagtanggal sa appendix.

Narito ang karaniwang mga sintomas ng appendicitis:

  • Pagkirot na mararamdaman malapit sa pusod o itaas na bahagi ng tiyan.

  • Kawalan ng gana sa pagkain.

  • Pagkahilo at pagsusuka.

  • Pamamaga ng sikmura.

  • Mataas na lagnat.

  • Kawalan ng kakayahang umutot.

  • Kirot sa itaas o ibabang bahagi ng sikmura, likod o puwit.

  • Masakit at kahirapan sa pag-ihi.

  • Pagsusuka na kasunod ng pananakit ng tiyan.

  • Matinding paghilab ng tiyan.

  • Kahirapan sa pagdumi.

Gayunman, pinapayuhang magpakonsulta agad sa doktor kung nararanasan ang mga nabanggit na sintomas upang matuklasan at makumpirma kung ito ay appendicitis nang sa gayun madali itong magagamot at hindi na ito mauuwi sa kamatayan. Gayundin, pinapayuhang huwag munang kakain, iinom o gagamit ng anumang pangunang lunas sa pananakit ng tiyan tulad ng mga antacid o laxative na maaaring magpalala sa pamamaga ng appendix na maaaring maging dahilan ng pagputok nito. Maaaring kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng prutas at gulay upang ito ay maiwasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page