top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Taumbayan, may paki sa pangangampanya ni P-Digong sa APEC dahil gastos sa biyahe, galing sa buwis, p

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 19, 2018
  • 2 min read

SABLAY ANG SINABI NI P-DUTERTE NA WALANG PAKI ANG TAUMBAYAN SA PANGANGAMPANYA NIYA SA KANYANG SENATORIABLES SA MGA OFW— "Anong paki n’yo kung mangampanya ako rito?” ‘Yan ang resbak ni P-Duterte sa publiko na bumatikos sa kanya sa kanyang pagdalo sa APEC Summit sa Papua New Guinea ay sinabayan niya ito ng pangangampanya sa OFWs na iboto ang kanyang mga kandidato sa pagka-senador.

Para sa kaalaman ni P-Duterte, may paki ang taumbayan sa isyung ‘yan kasi ginastusan siya ng taxpayers para dumalo sa APEC para sa kapakanan ng Pilipinas at mga Pinoy at hindi upang mangampanya para sa kapakanan ng kanyang mga kandidato sa pagka-senador, period!

◘◘◘

GUSTO YATA NI P-DUTERTE, KAPAG LUMABAS SIYA NG BANSA, MAY NALI-LIPS-TO-LIPS SIYA?—Matapos isnabin at tulugan lang ni P-Duterte ang anim na importanteng events sa ASEAN Summit sa Singapore ay hindi rin dinaluhan ng pangulo ang APEC Gala Dinner sa Papua New Guinea.

Siguro, para kay P-Duterte ay boring ang mga pagtitipong ‘yan ng mga lider ng ibang bansa kaya inisnab niya ang anim na ASEAN Summit events at ang APEC Gala Dinner.

Ano kaya ang para kay P-Duterte na hindi boring kapag nasa labas siya ng bansa? ‘Yun kayang tulad ng state visit niya sa South Korea na sa entablado ay may ni-lips-to-lips siyang married Filipina worker ? Boom!

◘◘◘

MAY PUNTONG MAGHIMUTOK SI PNP CHIEF GEN. ALBAYALDE SA ‘ANG PROBINSYANO’ —May puntong maghimutok si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde sa teleseryeng “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Mantakin n’yo, sa dinami-rami ng tanggapan ng PNP officials sa buong bansa, eh, ang Office of the Chief PNP pa ang pinalabas na bad sa teleseryeng ito.

Iisa lang ang PNP chief ng bansa na ibig sabihin kahit hindi ang pagkatao mismo ni Albayalde ang pinalalabas na kontrabida ay ang puwesto naman niya bilang PNP chief ang pinalalabas na bad sa teleseryeng ito, period!

◘◘◘

PUWESTO NG ILIGALISTA SA RODRIGUEZ, RIZAL, MGA PULIS AT TANOD DAW ANG BANTAY—Ang operasyon daw ng drop balls at color games ni “Josie” sa Bgy. Manggahan, Rodriguez, Rizal ay may bantay daw na mga pulis at barangay tanod.

Ganu’n? Hindi ba alam ‘yan nina Mayor Cecilio Hernandez, Station Commander Supt. Melchor Agusin at Rizal PNP Director Lou Evangelista na mga pulis at tanod ang nagbabantay sa puwesto ng iligalistang ito? Mga pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page