top of page
Pokwang.jpg

Tambay todas sa riding-in-tandem

Mylene Alfonso
Nov 19, 2018
1 min read

PATAY ang isang 21-anyos na tambay makaraang barilin sa ulo ng riding-in-tandem sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si John Ben Tenafrancia, binata, ng Gagalangin, habang inaalam naman ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Batay sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan, ala-1:49 ng madaling-araw nang maganap ang insidente nang biglang sumulpot ang mga suspek na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa panulukan ng Maria Guizon at V. Serrano Sts.

Naglalakad umano si Tenafrancia nang dikitan ng mga suspek saka ito malapitang binaril.

Patuloy pang inaalam ang motibo sa pagpaslang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page