Pananagutan sa batas bilang may-ari ng puwesto na nagbebenta ng piniratang pelikula

Dear Chief Acosta,
Nais kong malaman kung posible ba akong magkaroon ng pananagutan kung alam kong ginagamit ang ipinarerenta kong puwesto sa palengke para sa pagbebenta ng mga piniratang pelikula? — Mercy
Dear Mercy,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Section 216 ng Republic Act (R.A.) No. 10372 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines kung saan nakasaad na:
“A person infringes a right protected under this Act when one: (a) xxx; (b) Benefits from the infringing activity of another person who commits an infringement if the person benefiting has been given notice of the infringing activity and has the right and ability to control the activities of the other person; (c) xxx.”
Ibig sabihin, ang isang tao ay ikokonsiderang personal na lumalabag sa Intellectual Property Right ng ibang tao at maaaring managot para rito kung siya ay nabibigyan ng benepisyo mula rito at siya ay may kakayahang pigilan ang nasabing infringing activity.
Ang inyong sitwasyon ay pasok sa nasabing mga batayan kaya maaari kayong magkaroon ng pananagutan para sa paglabag ng Intellectual Property Law.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments