top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pagpapatayo ng mga ospital at kapayapaan sa bansa | Mga nagawa ni Imelda Marcos, huwag kalimutan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2018
3 min read

ANG lupit ng mga bumabatikos kay Congw. Imelda Marcos at nagnanais na ikulong siya tulad ng komunistang kongresman na si Neri Colmenares at ng dilawang abogado na si Florin Hilbay.

Ipakukulong nila ang 89-anyos na lola dahil daw sa pagpatay ng tao na 40 taon nang naka­lipas.

Nakalimutan na ba natin ang mga mabuting nagawa ni Congw. Imelda Marcos sa napaka­raming Pilipino? Siya ang nagtulak na maitayo ang Philippine Heart Center noong 1975. Bago ito maitayo, kapag hindi ka mayaman at nag­karoon ka ng sakit sa puso, siguradong tepok ka na!

Noong kasi, sa Estados Unidos at sa Europa lang ang may mga doktor at ospital na naka­gagawa ng ganitong maselang operas­yon at kahit ngayon kung ooperahin ka sa puso sa pribadong ospital ay maliit lang ang P200, 000 sa kailangang gastushin.

Mula 1975, kahit mahirap ay puwedeng mag­paopera sa puso sa Heart Center at hang­gang ngayon, ang Heart Center pa rin ang pinupun­tahan, mayaman man o hindi kung mayroong sakit sa puso.

Sa totoo lang, tayo mismo noong kinaila­ngan nating magkaroon operasyon sa puso sa Heart Center tayo pinapunta ng doktor dahil mas tiyak daw ang buhay natin kaysa sa pri­badong ospital.

Napakalaking tulong ni Congw. Imelda, dahil isa sa pangunahing dahilan ng pagka­matay ng mga Pilipino ay sakit sa puso. Naka­tulong ba ng ganito ang partido-komunista at New People’s Army na sinusuportahan ni Colmenares? Hindi.

Mahigit 100,000 ang napapatay ng NPA sa tangka nilang pabagsakin ang demokrasya ng bansa.

Pero, hindi lang ang Philippine Heart Center ang itinulak nitong itayo ng administrasyon ng asawa niyang si dating Pangulo Ferdinand Marcos kundi maging ang Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center at East Avenue Medical Center.

Pinilit umanong itago ng mga dilawan na sa ilalim ng administrasyong Marcos naitayo ang East Avenue Medical Center, isang malaking ospital na puntahan ng mga mahirap lalo ng mga taga-Quezon City.

Noong naitayo ito sa pangunguna ni Congw. Imelda, ang pangalan nito ay “Bagong Lipunan Hospital”. Ilan buwan pa lang na nasa poder si dating Pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino nang pinalitan nito ang pangalan ng ospital ng East Avenue Medical Center.

Galit na galit ang mga komunista at dilawan dahil napakalaki nang naitulong ni Congw. Imel­da sa taumbayan na napigil nang maraming taon ang balak nilang mapaitumba si ex-P-Mar­cos matapos nagdeklara ito ng Martial Law.

Akala ng mga komunista ay madali silang magwawagi noong Dekadang 70s dahil supor­tado sila ng China na nagbibigay sa kanila ng armas at pondo pero, ang nangyari ay pinunta­han daw ni Congw. Imelda si Mao Zedong noong 1974 at tila nabighani si Mao sa kanya ay dagliang pinatigil ang suporta ng China sa mga komunista at NPA.

Ang akala ng mga komunista na magtatagal ang himagsikang Muslim na pinangunguna­han ng Moro National Liberation Front kaya ang militar natin ay napapako sa Mindanao habang malakas ang NPA sa Luzon.

Gayundin, pinuntahan daw ni Congw. Imelda si Moammar Ghadafi na namumuno ng Libya na malaki ang itinutulong sa MNLF at nabig­hani rin si Ghadafi at dagliang pinilit ang MNLF na itigil ang himagsikan nila. Nobyembre 1976, nang nakausap niya si Ghadafi at sa sumunod na buwan ay sumuko ang MNLF.

Sabihin nating nagkasala si Congw. Imelda sa pagkakaroon ng dolyares sa Switzer­land subalit, napakalaki ang naitulong niya sa bayan at magnonobenta siyentos na ito. Pa­sa­salamat ng bansa ang dapat ibigay sa kanya at hindi ang paghihirap sa kulungan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page