Lolo tiklo sa boga
Pabs Hernandez III
Nov 19, 2018
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang 67-anyos na lolo ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. Canaan East, Rizal sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Dewey Magarro, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, sinalakay ng pulisya ang bahay ni Magarro sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska ang isang baril at mga bala.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments