Lineman nakuryente, dedo
PATAY ang isang lineman ng Green Earth Telecom services matapos itong sumabit sa kawad ng kuryente habang nag-aayos ng kanilang linya sa loob mismo ng Police Regional Office-2 sa Isabela.
Nagtamo ng malaking sunog sa katawan nang marekober ang biktimang si Saldifer Espanto, 29, residente ng Alcala, Cagayan.
Batay sa inisyal na ulat, Sabado ng tanghali nang mangyari ang insidente habang umaakyat ang biktima sa isang gusali sa PRO2 headquarters at habang naglalakad umano sa bubungan ay dumikit ang katawan nito sa isang may malakas na boltahe ng nakalaylay na live wire at tuluyang nakuryente.
Idineklarang dead-on-arrival si Espanto sa Cagayan Valley Medical Center.





Comments