Kaalaman tungkol sa Bell’s Palsy

Dear Doc. Shane,
Nakaranas ako ng biglaang pagkangiwi ng aking mukha. Natakot ako dahil baka na-stroke ako kaya nagpunta ako sa health center. Ang sabi sa akin ay maaaring ito raw ay bell’s palsy at hindi stroke kaya pinayuhan akong pumunta sa ospital para masuri. Ilang araw ang lumipas, hindi ako nakapunta sa ospital at napansin kong kusa itong nawala. Nais kong malaman kung ano ang sanhi ng bell's palsy? — Irma
Sagot
Ang bell’s palsy ay paralysis o panghihina sa kalamnan ng bahagi ng mukha kaya ito tumatabingi, partikular na tinatamaan at namamaga ang cranial nerve VII na sumusuporta sa mga kalamnan ng mukha.
Hindi malinaw ang dahilan ng bell’s palsy pero, ayon sa mga neurologist, ito ay dulot ng herpes simplex virus na kapag tinamaan ang cranial nerve VII, dito na nagkaka-bell’s palsy.
Narito ang mga sintomas nito:
Biglaang paralysis o panghihina ng kalamnan ng ilang bahagi ng mukha.
Labis na pagluha o pagkatuyo ng mga mata.
Pananakit sa paligid ng panga o likod ng tainga.
Nagiging sensitibo ang pandinig
Bahagyang pagtabingi ng mukha.
Nawawalang panlasa.
Hindi maisara ang mga mata.
Hindi maikunot ang noo.
Bumabagsak ang corner ng bibig.
Pagtulo ng laway.
Ang bell’s palsy ay benign condition, hindi seryosong sakit at gumagaling ito nang kusa. Gayunman, kailangan nito ng therapy. Sa ibang kaso nito, maaaring maging permamente kung aksidenteng na-fracture ang temporal bone o ang dinaraanan ng nerve.
Narito ang mga paraan upang hindi ito lumala:
Therapy — malaki ang chance na gumaling ito agad kapag ginagalaw o naeehersisyo ang mga nerve.
Steroids for the first 2 days.
Anti-viral at anti-inflammatory drugs.
Vitamin B complex, higit lalo ang B12.
Eye care — maaaring maglagay ng eyepad, magpatak ng eyedrops para hindi matuyo.
Facial exercise — dahan-dahang masahehin ang muscles ng mukha pataas nang 10 minuto.
Ugaliing uminom ng maraming tubig.





Comments