top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hirit ng mga guro: “Biktima rin kami ng pambu-bully”!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2018
2 min read

SA ngayon marami ng kaso ng bul­lying sa bansa ang napabalita, lalo na sa mga eskuwelahan kung saan iba’t ibang istorya na ang ating natunghayan tung­kol sa pang-aabuso ng mga guro sa ka­nilang mga estudyante.

Gayunman, sa ginanap na forum ka­makailan, sa pamamagitan ng tar­paulin at chants, ipinahayag ng mga guro na maging sila ay biktima rin ng pambu-bully ng kanilang mga mag-aaral.

Ayon sa mga guro, kapansin-pansing ang mas pinagtutuunan ng pansin ng mga kinauukulan ay ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga mag-aaral, pero hindi alam ng karamihan na maging sila ay nakararanas din umano ng panlalait, masasakit na salita at marami pang iba.

Dahil dito, nais nilang isulong muli at amyendahan ang Teachers’ Protection Act na naglalayong proteksiyunan ang mga guro, lalo na ngayong kaunting isyu lang tungkol sa grado ay madali nang manira ng reputasyon sa social media.

Dagdag pa rito, masyado raw umanong nakatali ang mga guro sa dami ng mga batas na pumoprotekta sa mga estud­yante, samantalang, sa kanila ay ka­ka­unti lamang at hindi pa ga­nu’ng kala­kas at katatag.

Kaya bukod sa classroom manage­ment at child discipline at legal assis­tance, dapat ay magkaroon din ng mechanism o manual ang mga guro para malaman nila kung ano ang mga hindi nila dapat ga­win nang sa gayun ay magkaroon ng ka­ayu­san sa pagitan ng mga estudyante at kanilang mga pangalawang magu­lang.

Gayundin, hiling natin na sana ay magkaroon ng patas na proteksiyon ang pamahalaan para sa lahat.

Tuldukan ang pang-aabuso na na­kapagdudulot ng masamang epekto sa tao!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page