HARDEN AT PAUL SA 58 PTS. MAVS, BINIGO ANG WARRIORS


ISANG go-ahead hook ang tinirada ni Rookie Luka Doncic sa nalalabing 70 segundo kung kaya nagawa ng Dallas Mavericks na putulin ang 10 sunod na pagkatalo sa Golden State Warriors sa bisa ng dramatikong 112-109 victory kahapon sa NBA game.
Umiskor si Doncic ng 24 puntos at natulungan niya ang Mavericks na itarak ang ika-apat na diretsong panalo kaya siya ang nagpalamang sa 109-108 ng Dallas.
Nasundan ito nang pigilan nila ang pananalsa ni Kevin Durant at samantalahin ang sablay na hook shot ng mama sa sumunod na posesyon at fadeaway sa natitirang 23.8 puntos, kasunod pa ng nagmintis na baseline jumper ni Klay Thompson sa natitirang 10.6 na segundo sa orasan.
Nakagawa si Doncic ng dalawang free throws sa nalalabing 7.2 segundo nang umalagwa na ang Mavericks sa pinal na segundo nang ma-foul pa ni Harrison Barnes si Durant sa natitirang 6 na segundo.
Sa iba pang laban, sina James Harden at Chris Paul ay may pinagsamang 58 points at 17 assists habang si Clint Capela ay may naitala na double-double nang ipagpatuloy ng Houston Rockets ang pananalasa sa bisa ng 132-112 win kontra sa Sacramento Kings.
My tinabo na 34 puntos si Harden at 8 assists, habang si Paul ay may 24 puntos at 9 assists nang kabigin ng Rockets ang ika-apat na diretsong tagumpay at ikapito nila sa huling 9 na laro.
Nagawang kontrolin ng Houston ang paghahabol sa 20-5 para umalagwa pa sa dalawang peryodo na sinamantala nila ang hina sa depensa ng Kings. (MC/ATD)





Comments