Dear, kawawa naman ang heart mo… MODEL-ACTOR, WALANG PLANO AT DIREKSIYON SA BUHAY KAYA TURNED-OFF A
- Erlida Rapadas
- Nov 19, 2018
- 1 min read
BLIND ITEM:
DATI-RATI, maraming nagpapantasya sa hunk actor na ito dahil umaapaw ang sex appeal noong bago pa lang siya sa showbiz. Dating ramp model ito bago naging artista. Pati mga gays ay nag-aagawan na makuha ang kanyang atensiyon.
May mga artista ring nakarelasyon ang guwapong hunk actor, pero hindi nauwi sa matagal at seryosong relasyon. Nate-turn-off sa kanya ang mga babaeng nakakarelasyon niya.
Boyfriend material lang daw ang hunk actor, pero in real life, wala itong goal at direksiyon ang buhay. Pa-easy-easy lang siya, walang plano for the future. Anything goes kaya iniiwan ng mga nagiging GF.
Ngayon, marami ang nakakapansin na unti-unti nang nawala ang karisma ng hunk actor. Nagkaedad na rin kasi ito at medyo nagpabaya sa sarili. Hindi na ito yummy, natuyot na ang kanyang hitsura. Kinukuha pa rin naman siyang leading man sa pelikula, pero hindi na maganda ang rehistro niya sa kamera.
May movie siya recently kapareha ang young actress. Maganda naman ang role ni dating hunk actor, pero sa halip na kiligin sa mga eksena nila ni young actress, eh, halos naging kuya or “older brother” ng kanyang leading lady ang dating niya sa big screen. Para siyang natuyot nang husto at wala nang appeal.





Comments