AZKALS, NAKA-2ND WIN VS. TIMOR LESTE SA AFF SUZUKI CUP


NAGSIKAP nang husto ang Philippine Azkals sa ilang minuto na lamang na natitira upang maitarak ang 3-2 win laban sa humahabol na Timor Leste sa group stage ng 2018 AFF Suzuki Cup sa Kuala Lumpur Football Stadium sa Malaysia.
Inagapan na bago pa man ang ika-73 minuto ng Azkals ang pagpasok ng tatlong goals mula sa pagsipag nina team captain Phil Younghusband, Matt Steuble at Carli de Murga.
Nakaiskor ng goal si Nataniel de Jesus Rels sa loob ng tatlong minuto mula sa bisa ng penalty kick kasunod ni Joao Pedro da Silva Freitas pagsapit ng ika-75. Nagawa pa rin ng Pinoy squad sa kabila nito na manatiling nakalalamang sanhi para pagwagian ang laro.
Buwenas naman ang Azkals dahil kahit wala sina Neil Etheridge, Luke Woodland, at Manny Ott dahil sa injuries ay nagwagi ang team.
Binuksan ng Azkals ang kampanya noong Miyerkules na may 1-0 kartada na ang team laban sa Singapore. Ang Thailand ang next na makasasagupa ng Azkals sa Panaad Stadium sa Bacolod City sa Miyerkules. (MC)





Comments