top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

4 sangkot sa droga, timbog

Maeng Santos
Nov 19, 2018
1 min read

KALABOSO ang apat na hinihinalang drug per­sonalities matapos mag­wala ang isa sa mga ito dahil di­naya ng mga kasamahan sa tarya sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Po­lice Community Pre­cinct (PCP) 1 Commander PSI Jef­ferson Guillermo, alas-10:00 ng gabi nang respon­dehan ng kanyang mga tauhan ang tawag mula sa isang concerned citizen hing­gil sa isang lalaki na nagwa­wala at nagsisigaw habang arma­do ng kutsilyo sa loob ng La Loma Cemetery sa Bgy. 130.

Nang mapansin ng nag­wawalang lalaki ang pag­dating ng mga pulis, nag­sisigaw ito na tumak­bo pa­pasok sa isang kubo kaya hinabol ito ng mga operatiba kung saan na­abutan ang isang grupo na sumisinghot ng shabu na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.

Nakilala ang mga na­da­kip na sina Marlon Na­voa, 43; Joey Cuaresma, 42; Je­sus del Rosario, 54, at Ber­nard Bañagan, 25, pawang mga caretaker sa La Loma Cemetery.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page