Mister na pulis nagpa-practice shooting | MISIS SAPOL, DEDBOL
PATAY ang isang misis nang mabaril ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay sa Alaminos City, Pangasinan.
Nalagutan ng hininga habang nasa kalagitnaan ng operasyon sa Western Pangasinan District Hospital si Jennifer dela Cruz, 45, sanhi ng tama ng bala ng baril sa katawan.
Batay sa paunang imbestigasyon, napag-alamang nagda-dry firing umano ang 44-anyos na mister na si Christopher sa kanyang 9mm pistola sa loob ng bahay nang pumutok ito at tinamaan ang kanyang misis.
Ang dry firing ay isang estilo ng practice shooting gamit ang baril na walang bala.
Agad inaresto ng mga awtoridad si Christopher at nahaharap sa kaukulang kaso.
Paliwanag naman ng pulis, hindi nito alam na may lamang buhay na bala ang baril na kanyang pinagpraktisan.





Comments