ILALATAG ANG ONE-DAY 7-STAG BIG EVENT NG WORLD PITMASTERS


HABANG ang mga semifinalists ay naghahanda upang masiguro ang kanilang pagpasok sa finals, ang 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby ay maghahandog ng kakaibang labanan ngayon araw sa pagparada ng pinakahihintay na P220K-Entry-Fee One-Day 7-Stag Big Event sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila, simula sa tanghaling tapat tampok ang 28 de-kalibreng kalahok na magtutunggalian sa isang labu-labong 98 sultadang programa.
Magtutuos sa isang Red Flag format o laban-sa-lahat na derby sina Femmie Medina, Eric dela Rosa, Goto, Rey Cañedo, Anthony Lim, Marvin Rillo, Jesse Viceo, Arman Santos, Richard Perez, Jojo Cruz, Joey delos Santos, Bong Pineda, Lito Orillaza, Mon Arriola, Eddie Gonzales, Mandy Garcia, Danny Bulldog, Rj Mea, Atong Ang, Gerry Ramos, Sonny Lagon, JR Tolentino at Edwin Tose. Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Lagon, RJ Mea & Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong ang world-class event.
326 entries ang nagbanggaan sa tatlong magkakahiwalay na 2-stag eliminations na ginanap noong Nob. 15, 16 & 17. Bawat isa sa kanila ay nakapagtala ng isang puntos pataas ay inaasahang patuloy na lalaban sa nakatakdang araw ng semis sa Nob. 19, 20 & 21.
4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Nob. 23, samantalang ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 na grand finals. (MC)





Comments