Bebot na bet nang ituloy ang pag-aaral matapos pumanaw ang kanyang nanay

Dear Roma,
Nais kong humingi ng payo sa inyo tungkol sa sitwasyon ko. Ako si Mich, 23 taong gulang. Hindi ako nakapagtapos ng college dahil kinailangan kong huminto sa pag-aaral noong 2nd year ako. Nagkaroon kasi ng sakit ang mama ko, malaking pera ang kailangan namin para mabili ang mga gamot niya. Kaya inuna ko na rin na alagaan siya. Noong nakaraang taon ay pumanaw na si mama kaya gusto ko nang bumalik sa pag-aaral dahil alam kong magiging masaya si mama kapag nakita niya akong nakatapos ng college. Pero, kailangan ko munang magtrabaho dahil hindi kayang tustusan ng papa ko ang pag-aaral ko dahil matanda na rin siya. Roma, ano ba ang dapat gagawin ko? — Mich
Mich,
Nakikiramay kami sa pagkawala ng iyong ina. Ang maipapayo namin sa’yo ay kung sa tingin mong hindi na matutustusan ng papa mo ang iyong pag-aaral, mabuting magtrabaho ka muna. Ngunit, kung kaya mo namang pagsabayin ang iyong pag-aaral at pagtatrabaho, eh, mas maganda dahil hindi matagal na panahon ang hihintayin mo upang tuluyan ka nang makatapos sa kolehiyo. Idagdag mo sa iyong inspirasiyon ang iyong ina na siguradong magiging proud sa’yo kapag nakapagtapos ka na. Good luck sa iyong pag-aaral at God bless!





Comments