top of page
Pokwang.jpg

Bago pa mahuli ang lahat, mga sintomas ng sakit sa puso, alamin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2018
2 min read

Dear Doc. Shane,

Namatay ang tatay ko at hindi namin nalamang may sakit pala siya sa puso dahil wala naman siyang iniinda sa amin. Maaari bang pakitalakay ninyo ang mga sintomas ng sakit sa puso? — Anton

Sagot

Ang patuloy na pagtaas ng kaso ng pagkamatay dahil sa sakit sa puso ay maaaring isisi sa kapaba­yaan sa pangangalaga ng kalusugan. Kadalasan, ang mga sintomas nito ay nara­ramdaman lamang kapag malala na ang kondisyon o huli na para magamot ang sakit. Madalas, binabale­wala ang pagkakaroon ng sakit sa puso sa pag-aakalang ang nararamda­mang sintomas ay pang­karaniwan lamang.

Narito ang mga sen­yales ng sakit sa puso:

• Pagkahilo at hirap sa paghinga — ang biglaang pagkahilo at hirap sa paghinga kahit walang sakit na hika o problema sa daluyan ng paghinga.

• Paninikip ng dibdib — isa rin sa pangunahing senyales ng pagkakaroon ng sakit sa puso ay ang matinding paninikip ng dibdib ang pakiramdam na parang dinadaganan at iniipit ang dibdib at nakasentro sa bandang kaliwa ng dibdib.

• Pananakit ng ilang bahagi ng katawan — hindi lamang nakasentro sa dibdib kundi maging sa mga braso, leeg at batok. Madalas ay makararanas din ng pamamanhid at mainit na pakiramdam sa mga bahaging nabanggit.

• Pagkabalisa — ma­dalas nakararanas ng pagkabalisa na sinasaba­yan pa ang pagkahilo at pananakit ng ulo.

• Pagiging matamlay — kapansin-pansin ang pagiging maputla at parang walang siglang kumilos o magtrabaho.

• Iregular na tibok ng puso — maaaring bumilis nang husto ang tibok ng puso o mas mabagal kaysa sa normal. Ang iregula­ridad sa ritmo ng tibok ng puso ay isang pangunahing senyales sa pagkakaroon ng sakit.

• Panghihina ng kata­wan — sa mga malalalang kondisyon, nahihirapan nang tumayo, makapag­salita at makapag-isip dahil sa sakit.

• Pagpapawis — ang biglaan at hindi maintindihang pagpapawis. Kadalasan, nararanasan ito o bago ang mismong atake sa puso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page