top of page
Pokwang.jpg

ACES, SHOOT SA FINAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2018
1 min read

SWAK ang Alaska Aces sa championship round matapos nilang payukuin ang Meralco Bolts, 99-92 sa Game 4 ng 2018 Philippine Basketball Association, Governors Cup best-of-five semifinals kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Magtatapat sa best-of-seven finals ang Aces at Magnolia.

Kumapit ang Meralco sa tikas ng Alaska sa unang dalawang periods kaya nakalamang sila ng isang puntos, 48-47 sa halftime.

Pero nakahulagpos ang Aces sa third canto, nilagok ang 21-12 para hawakan ang 68-60 bentahe papasok ng fourth.

Samantala, naunang sumampa sa finals ang Magnolia matapos nilang tapusin ang paghihirap ng Barangay Ginebra, 112-108 sa Game 4 ng kanilang best-of-five seminals noong Biyernes sa Ynares Center, Antipolo.

Hindi nagpapigil si import Romeo Travis sa asam nitong isampa sa finals ang Pam­bansang Manok Hotshots, kumayod siya ng 50 points at 13 rebounds.

Ayon kay Travis may nararamdaman itong sakit sa hita kaya ayaw niyang magkaroon ng Game5. “I didn’t want a Game 5,” hayag ni Travis “The way my leg is feeling, I couldn’t play in Game 5.”

“It’s a Grade 2 hamstring injury,” patungkol ni Magnolia head coach Chito Victolero sa nararamdaman ni Travis. “Nakaraan pa niya iniinda yan hirap siya, pero bago ang Game 4 ay nakakuha siya ng clearance.”

Nagpakitang gilas din ang locals ng Hotshots na sina Paul Lee, Jio Jalalon, Ian Sangalang at Mark Barroca sa kanilang panalo. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page