Wildfire sa California ‘di pa naaapula
HANGGANG ngayon ay hirap pa rin sa pag-apula ng apoy ang mga bumbero dahil sa makikitid na daan ng ilang lugar sa Ventura Country, California.
Marami pang residente sa Ventura Country ang natatakot dahil sa malawakang wildfire na maaari pang lumala dahil sa nagbabadyang malakas na hangin, ayon kay Marilene Ortile Kaleikini, nurse assistant.
Hinihiling ng mga residente ang malakas na ulan nang sa gayun ay makatulong ito sa pag-apula ng apoy, ngunit, maaari umano itong maging sanhi ng landslide dahil apektado rin ng malawakang sunog ang bulubunduking bahagi ng bansa.
Inaasahang bubuhos ang malakas na ulan sa susunod na linggo kaya pinayuhan ng awtoridad na maging handa ang mga residente sa posibleng paglikas.





Comments