Wanted na killer nasakote
Pabs Hernandez III
Nov 17, 2018
1 min read
BATANGAS—Isang wanted na killer ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Carlos, Lipa City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Rainier Pedrosa, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Pedrosa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Hindi nanlaban si Pedrosa nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang barangay.





Comments