top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P1.20 bawas-presyo sa gas

Gina Pleñago
Nov 17, 2018
1 min read

POSIBLENG magkaroon na naman ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito na ang ikaanim na sunod na linggong may bawas sa presyo ng langis. Batay sa unang tatlong araw ng trading, nasa P1.10 hanggang P1.20 ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Aabot naman sa P.70 hanggang P.75 ang rollback sa kada litro ng diesel. Samantala, magbabago pa ang mga paggalaw na ito sa presyo base sa resulta ng trading.

Sa loob ng isang buwan, higit P7.70 na ang natapyas sa presyo ng bawat litro ng gasolina habang higit P5.00 naman sa kada litro ng diesel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page