MAILAP NA FINAL SEAT, ILALABAN NA BA NG ACES SA GOVERNOR’S CUP?

LALAPATAN ng isa pang panalo ng Alaska Aces ang pormal nilang pagpasok sa finals sa Governor’s Cup sa muling pakikipagsagupa sa Meralco Bolts sa Game 4 ngayon sa Araneta Coliseum.
Dala ang 2-1 bentahe matapos manalo sa Game 3, 104-102, sa Cuneta Astrodome kung saan sinipa nila ang San Miguel Beer sa quarterfinals, haharapin ng Aces ang Bolts ng 7 p.m. at determinadong tapusin ang best-of-five semifinal series upang makaiwas na sa”do-or-die” Game 5.
Ang hirap ay nasa Bolts at kailangang palakasin nila ang kanilang boltahe at sunugin ang Aces sa Game 4 para muling buhayin ang kanilang title campaign gayung nabigo ang sister teams na Talk ‘N Text at NLEX. Ang momentum ay nasa Alaska at tiyak na sasamantalahin ni coach Alex Compton ang bentahe na ituloy iyon at tapusin ang serye upang pormal na pumasok sa title contention sa Governor’s Cup na hawak ng Barangay Ginebra ni coach Tim Cone. “We will exploit the advantage to the hilt to end the series. I instructed my players to play another A-1 game one more time and rest for a while,” sabi ni Compton matapos talunin ang Meralco at abot kamay na ang final seat.
Mailap pa rin kasi ang titulo kay Compton mula nang hinirang ni team owner at dating national swimmer at swimming president Wilfred Steven Uytengsu kapalit ni Cone na lumipat sa San Miguel franchise. Si coach Ercito “Chito” Victolero ang nakikipaglaban kay Cone sa “battle of the brain” sa hiwalay na best-of-five semis tampok ang sister teams Magnolia at Ginebra.





Comments