LADY BULLDOGS, UAAP FINALIST NA; HIGHWAY HILLS IS LIDER SA WBL


PORMAL na naisiguro ng National University ang pang-anim na sunod nilang Finals appearance nang pataubin ang Far Eastern University, 68-44, kahapon sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Ang panalo ang ika-7 sunod na panalo ng Lady Bulldogs na naghahangad ng ikalimang dikit nilang kampeonato. “I’m just happy na na-survive namin uli ‘yung fourteen game sweep,” pahayag ni Lady Bulldogs coach Patrick Aquino. “We’re just waiting for the championship kung sino man but still ‘yung job namin is not yet done. We hope na we get the championship, that’s the most important thing this season.”
Pinangunahan nina reigning Most Valuable Player Jack Animam at Congolese student-athlete Rhena Itesi ang Lady Bulldogs ang 14-game sweep. Tumapos si Animam na may 19 puntos, 18 rebounds, 2 steals, at isang block habang nagdagdag si Itesi ng 14 puntos at 14 rebounds. Sa pamumuno din ng dalawa, nalimitahan ng Lady Bulldogs ang Lady Tamaraws sa single ng dalawang beses sa first at third quarter.
Nalimitahan din nila ang mga aces ng Lady Tamaraws na sina Clare Castro at Valerie Mamaril. Si Castro na nag-aaverage ng 16.5 puntos at 12.17 rebounds ay nagposte lang ng 6 na puntos at 8 boards habang si Mamaril ay mayroon lang na 9 na puntos. Sa isa pang laban, tinalo ng Adamson University ang Ateneo de Manila University, 80-65.NSamantala, nakatuntong sa ikaapat na diretsong panalo ang undefeated Highway Hills Integrated School laban sa Notre Dame of Greater Manila, 38-20, upang lumider sa Group C ng 18-Under Developmental Division ng 31st Women’s Basketball League (WBL).
Dominado ng Highway Hills ang laro sa simula hanggang sa tuluyan nang gupuin ang wala pa ring panalo na Notre Dame sa ikatlong diretsong talo sa torneo na inorganisa ng Best Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) at ng Milo. Naka-2nd straight win naman ang Miriam College kontra winless St. Theresa’s College (0-2), 19-10 para makapatas sa marka ng St. Scholastica Academy-Marikina na 2-0 sa tuktok ng Group A. Sa 18-Under Competitive Division, tinalo ng Casimiro Ynares Sr. Memorial National HS ang Our Lady of Mercy School (0-3), 31-3. (VA)





Comments