top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Babala sa diabetic na magpapabunot ng ngipin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 17, 2018
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

May diabetes ang nanay ko at may iniinom siyang gamot para rito. Nais naming malaman kung maaari ba siyang mabunutan ng ngipin kasi namamaga na ito at parang mayroon na ring nana? Ang sabi ng dentista ay kumuha raw muna kami ng clearance sa kanyang doktor. Ayos lang ba kung magpapabunot ng ngipin ang diabetic? — Angie

Sagot

Kadalasan, kaya humihingi ng clearance ang dentista sa doktor ng pasyente kung maaari bang bunutan ng ngipin dahil kailangang i-assess ng doktor kung kontrolado ba ang diabetes at tingnan ang mga gamot na iniinom ng pasyente. Depende sa kaso ng pasyente, ang mga gamot na pampalabnaw ng dugo tulad ng aspirin, clopidogrel o warfarin na ibinibigay sa mga may diabetes (para hindi atakihin sa puso o ma-stroke) ay dapat itigil muna.

Gayunman, kapag mataas ang asukal sa dugo at sa tingin ng dentista ay makapaghihintay pa ang pagbunot ng ngipin ng dalawang linggo, mas mabuting ipagpaliban muna hanggang sa maayos ang asukal sa dugo gayun­din, kailangang normal ang blood pressure ng nanay mo kung may altapresyon ito bago bunutan.

Subalit, kung emergency na ang kailangang gawin ng dentista dahil malala na ang ngipin niya, lalo na kung mayroon ng nana, maaaring ipabunot na ito agad kahit mataas ang asukal nito sa dugo. Mahirap kasing paba­bain ang asukal sa dugo kapag may impeksiyon kaya mas mabuting ipaalam sa dentista kung kayo ay may diabetes o altapresyon dahil kung minsan, ibang klase ng anesthesia ang ginagamit dito. Gayunman, mas mainam pa rin kung pupunta muna kayo sa doktor upang makahingi ng clearance kung kaya pa nitong tiisin ang sakit ng kanyang ngipin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page