3RD ELIMS NA ANG WPC MASTER BREEDERS EDITION


PAPAGITNA ngayon ang ikatlo at huling 2-stag eliiminations sa ginaganap na 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby sa Newport Performing Arts Theatreng Resorts World Manila ng 12 ng tanghali.
May 110 bagong kalahok ang susubuking makapagtala kahit na isang puntos upang maka-abanse sa 3-stag semifinals sa Nob. 19, 20 & 21.
Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Sonny Lagon, RJ Mea & Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong ang world-class event na ito ay itinataguyod ng gold sponsor Thunderbird Platinum.
Malinis na nakalusot sa unang elims noong Huwebes at umiskor ng tigalawang panalo ang mga lahok na AAO Pitmaster-2 (Gerry Ramos), AA RCL Mustang (Jun Llarenas/Art Atayde), Gen. Buratchie Gf (Ojie Villangca) JLD Bros Nov. 24 5 Stag Sa Icoca (Jay & Jong Diaz) , Nov. 24 5 Stag Sa Icoca City Of Ilagan (Dr. Jay Diaz/Peter “Apol” Alsosa), Amco All Can/Robri), Amco/Allan Cantal/Roan Britania) , Bn Bonbon/Kaingin Feb. 21 5-Cock @ Smc (Wilfredo Aga Jr./Poch Gabriel), Oliver (Nestor Vendivil), Dubai Gold (Mito Mendoza) at marami pang iba.
Sa Nob, 20, magaganap ang pinag-uusapan na 1-day 7-stag big event tampok ang 28 bigtime na mananabong.
Ang tatlong 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19, 20 & 21. Ang 4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Nob. 23, samantalang ang may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals. (MC)





Comments