top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

14th  month pay para sa mga empleyado ng private sector, ibigay!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2018
1 min read

“MABUTI pa sila”, ito ang sinabi ng ilang mga empleyado sa private sector matapos ianunsiyo ang pag-apubra sa 14th month pay at P5,000 cash bonus para sa mga empleyado na nagtatra­baho sa gobyerno kaya dahil dito, nais isulong ng mambabatas ang 14th month pay para sa kapakinabangan ng lahat.

Kung saan sinabi ni Kabayan Rep­resentative Ron Salo na karadapat-dapat din umano ang private emplo­yees na makatanggap ng 14th month pay hindi lamang dahil sa humanitarian reason kundi dahil nagsisilbi rin ang mga ito sa publiko tulad ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Aniya, kukumbinsihin ng Kabayan Partylist ang Kongreso na amyenda­han ang Labor Code nang sa gayun ay maging mandatory na ang 14th month pay at year-end bonus.

Malaki kasi ang maitutulong nito para sa mga gastusin ngayong dara­ting na Pasko at Bagong Taon gayundin, magkakaroon ito ng magandang epekto para sa ekonomiya ng bansa dahil maaari nitong matugunan ang mga pangangailangan ng bawat pa­milya.

Samantala, hiling ng partylist na sana ay masuportahan din ng mga negosyante ang kanilang panukala.

Gayunman, gustuhin man ito ng lahat, nakasalalay pa rin sa pamahalaan ang magiging tugon nila sa ating mga kahilingan.

Nakadepende rin kasi ito sa kaka­yahan ng ilang kumpanya, lalo na kung ang negosyong kanilang pinatatakbo ay hindi gaanong maganda ang kini­kita.

Pero, kung malaki ang tsansa na ma­pagbigyan nila ang lahat, eh, di mas maganda.

‘Ika nga sa kasabihan, hangga’t may buhay, may pag-asa!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page