Pulis todas sa riding-in-tandem
PATAY ang isang aktibong miyembro ng Philippine National Police nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Minglanilla, Cebu.
Dead-on-the-spot si PO2 Lord Canada, nakatalaga sa Police Regional Office-7 sanhi ng limang tama ng bala ng baril sa katawan.
Batay sa inisyal na report, nangyari ang pamamaslang sa biktima sa bahagi ng Bgy. Lower Calajoan.
Nagpapagawa umano ng kanyang motorsiklo sa isang talyer ang biktima nang lapitan ito ng dalawang armadong lalaking sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.





Comments