Problemado sa pera | LOLO NAGBARIL SA SENTIDO
ISANG 60-anyos na lolo ang nagbaril sa sentido dahil umano sa problema sa pera sa Tondo, Manila.
Inabutang nakalugmok sa bangko ng kanyang mga apo ang biktimang si Cesar Coto, 60, laborer. Ayon kay Rheanne, anak ng biktima, dumaranas ng depresyon ang kanyang ama dahil sa problema sa pera.
Una nang napansing hindi mapakali at palakad-lakad sa loob ng kanilang bahay ang biktima. Alas-2:00 ng hapon, habang nagpapahinga ang kanyang mga apo saka naman pumasok ang biktima at pinalabas ang mga ito.
Lumabas naman ang mga bata at habang nakikipag-chat sa kanilang mga kaibigan ay bigla na lamang silang nakarinig ng putok ng baril na nagmula sa loob ng bahay.
Agad tumakbo papasok ng bahay ang isa sa mga apo upang tignan ang nangyari kung saan inabutan nito ang kanilang lolo na duguan.





Comments